Benepisyo ng Japan Visa Support
Pwede ang mag
apply ONLINE
Maaring kumpletuhin ang proseso ng aplikasyon online. Ngunit sa mga aplikante na nais bumisita sa aming tanggapan ay malugod namin kayong pahihintulutan.
HINDI NA KAILANGAN PUMUNTA SA IMMIGRATION
Karaniwan, kapag nag-sumite ng bisa, ang aplikante ay kailangang humarap sa immigration ng dalawang beses: (1) pagsusumite ng mga dokumento at (2) pagbigay at pagtanggap ng residence card. Ngunit, ang aming administrative scrivener mismo ang hahawak sa pamamaraan ng aplikasyon para sa aplikante, kaya hindi na kailangan pang pumunta sa immigration.
Mataas na
dekalidad
Ang aming opisina ay nakatanggap ng mahigit 5,000 na libreng konsultasyon. Pamilyar ang aming mga abogado hindi lamang sa batas, pagsusuri, at mga alintunin sa immigration. Kundi pati na rin sa bisa at mahihirap na karanasan ukol dito.
MGA KUMPLIKADONG KASO
Ang aming opisina ay naka resolba na ng mahihirap at kumplikadong kaso kagaya na lamang ng overstay, pagkuha ng special landing permit para sa mga aplikanteng na-deport, at pagpapalit ng visa ng mga refugee.
MATAAS NA REVIEW GALING SA MGA DATING KLIYENTE
Ang aming mataas na antas ng legal na kadalubhasaan ukol sa mga kaso ay nauugnay sa mga dating karanasan na nakapagbigay ng magandang resulta sa aming mga kliyente. Sa kasalukuyan ay mayroon kaming 74 reviews sa google at may markang 4.8 stars.
IBA'T IBANG WIKA
Ang aming mga tauhan (kasama ang aming mga abogado) ay nakakapagsalita lahat ng Ingles. Mayroon din mga tauhan na nakakapagsalita ng Tagalog at Chinese.
BILANG NG MGA BANSANG NAHAWAKAN NAMIN
BANSANG NAHAWAKAN NAMIN
Sa kasalukuyan ay mahigit mula sa 74 na bansa na kliyente na ang aming natulunganr
MGA TAGUMPAY LABAN SA MAHIHIRAP NA KASO
Sa dinami-rami ng mga opisina na dalubhasa rin sa mga aplikasyon ng bisa,
ang aming opisina ay nakapag resolba na ng mas mahihirap na kaso.
Marahil dahil ito sa aming prinsipyo at pilosipiya na:
"The Best and the Strongest" and "Accessible legal services."
Nilalayon naming magkaroon ng mataas na legal na kadalubhasaan upang maisakatuparan ang karapatan ng aming mga kliyente at mabigyan sila ng madaling access sa mga serbisyong legal.
Dalubhasa kami sa paglutas ng mahihirap na kaso para sa mga indibidwal.
Mayroon kaming maraming mahuhusay na assistant na tumutulong sa aming mga abogado na makapag-focus sa kanilang gawain.
Ang aming mga abogado ay eksperto at dalubhasa ring lecturer sa isang unibersidad ng batas.
Ang aming kumpanya ay mahigpit sa pagsusuri ukol sa mga dokumento at tanging mataas na kalidad lamang na dokumento na inaprubahan ng dalawang responsableng abogado ang maaaring isumite sa tanggapan ng imigrasyon.
Gaya ng nabanggit sa itaas, mayroon kaming kadalubhasaan na hindi basta basta makakamit ng iba pang maliliit na opisina ng administrative scrivener kaya naman naging tagumpay lahat ng aming mahihirap na kaso.
MGA NARESOLBANG KASO
Nakasulat sa baba ang mga mahihirap na kaso na naresolbahan ng aming kumpanya.
Case No. 1Pagpapalit ng bisa pagkatapos makipaghiwalay sa asawang hapon.
Nasyonalidad: Nepali
Kapag ang isang foreigner na may spouse bisa ay nakipaghiwalay sa asawang Hapon. Karaniwan ay hindi
na siya maaaring tumira sa Japan.
Gayunpaman depende sa sitwasyon ng aplikante ay maaari siyang
makakuha ng "Long-term Resident" at maaaring manatili sa Japan. Ang aplikasyon na ito ay hindi
makukuha sa pamamagitan ng ligal na proseso ngunit makakakamtan sa pamamagitan ng "makataong
konsiderasyon" kaya naman hindi isinasa-publiko ng Immigration Bureau ang tungkol dito.
Ang
aming aplikante ay nakipaghiwalay sa kanyang asawang hapon sa kadahilanang hindi niya na kayang
tiisin ang pagmamaltrato sa kanya. Pagkatapos niyang makipag hiwalay ay nag sumite siya ng
aplikasyon sa kanyang bisa at ito ay tinanggihan ng Immigration. Nabigyan lamang siya ng 31 na araw
upang makapaghanda paalis ng Japan. Sa nais na manatili sa Japan ay lumapit siya sa aming opisina at
hinanda namin ang kanyang aplikasyon sa maikling panahon. Ngayon ay nakatanggap na siya ng
"Long-term Resident" Bisa at kasalukuyang patuloy na naninirahan sa Japan.
Case No. 2Pagpapalit ng bisa ng refugee na aplikante.
Nasyonalidad: Pakistan
Ang pamilya ng aming kliyente ay nag sumite ng aplikasyon para sa refugee bisa ngunit ito ay tinanggihan ng imigrasyon at sila lamang ay nabigyan ng kaunting oras upang makapaghanda paalis ng Japan. Ngunit, sa tulong ng aming mga abogado ay nagkaroon ang tatay ng pamilya nila ng "Business Bisa" at sa pamamagitan noon ay nakamtan din ng kanyang asawa at mga anak ang
"Dependent Bisa" ngunit hindi naging madali ang proseso. Nang magpunta sila sa aming opisina para sa konsultasyon ay kumplikado ang kanilang sitwasyon. Dahil
(1) Hindi naka rehistro ang kanilang kompanya.
(2) Walang nakahandang opisina para sa kanilang business.
(3) Walang ebidensya kung paano nakamtan ang kapital ng kanilang kumpanya.
(4) Kulang ang detalye ng kanilang business plan.
Dahil sa mga kakulangan ay kinailangan namin ihanda ang mga hinihinging papeles ng imigrasyon sa maliit na oras. Ang aming opisina ay mabilis na tumugon sa kanilang pamilya at sinumite ang aplikasyon sa kanilang bisa na inaprubahan ng imigrasyon. Sa ngayon ay kasalukuyan silang naninirahan pa rin sa Japan.
Case No. 3Work Visa COE: Plant Engineer (Engineer Visa)
Nasyonalidad: Vietnam
Ang aming opisina ay may malawak na karanasan patungkol sa iba't ibang business. Mag mula sa indibidwal na business hanggang sa naglalakihang korporasyon. Ang aming abogado ay may karanasan din tungkol sa iba't ibang trabaho na konektado sa aplikasyon ng mga bisa.
May lumapit sa amin na isang kumpanya na humihingi ng aming tulong na mabigyan ang kanilang tauhan ng bisa na kaugnay sa trabahong plant maintenance engineer para sa nuclear at thermal power plants. Kami ay nag imbistiga ng mga aplikante upang makita kung mayroon ng rekord sa ganitong klaseng kaso ngunit ni isa ay wala pang nakakakamit ng engineer bisa sa ilalim ng Tokyo Immigration Bureau. Maaaring tanggihan ng ibang ahensya ang ganitong kaso dahil sa kakulangan ng kanilang karanasan. Ngunit, ang aming opisina ay handang magsumite ng kahit anong aplikasyon kapag nakitaan namin ito ng posibilidad na ma-apbruhan. Pagkatapos namin ipaliwanag ng maayos ang kagandahan ng trabahong ito ay matagumpay naming nakuha ang bisa para sa plant maintenance engineer at naging kauna-unahang law firm na nakakuha nito.
Case No. 4Pag sumite ng Spouse Bisa pagkatapos hindi matanggap ng unang beses.
Nasyonalidad: Philippines
Marami nang naging kaso tungkol sa mga Pilipino na nagkaroon ng problema sa pag susumite ng bisa para sa divorce at kasal. Mga kliyente na kumukonsulta tungkol sa iba't ibang problema. Kagaya na lamang ng mga taong naghiwalay ng maraming beses, mga taong na-buntis ng ibang lalaki maliban sa kanilang asawa (kalaguyo),
at iba pa. Ang pinakamahirap namin naging kaso ay tungkol sa pagpapakasal muli ng dalawang Filipino na hindi dumaan sa proseso ng divorce sa Pilipinas. Isa ito sa kaso kung saan humingi sila ng tulong sa isa pang sikat na legal na opisina ngunit sa kasamaang palad ay sila ay tinanggihan ng imigrasyon. Hiningi nila ang aming tulong bilang kanilang huling pagkakataon dito sa Japan.
Dahil sa kasalukuyang mayroon kaming apat na assistant na Filipino sa aming opisina na may karanasan ukol sa iba't ibang legal na proseso ng bisa naging mabilis ang proseso ng aplikasyon. Bilang resulta ay matagumpay naming nakuha ang spouse visa.
Case No. 5Aplikasyon para sa permit bilang permanent residence.
Nasyonalidad: Bangladesh
Ang mga pamantayan tungkol sa permanenteng resident ay mas lalong naging mahigpit nitong mga nakaraang taon. Ngunit, ang aming opisina ay mayroong team na dalubhasa sa aplikasyon ng "Permanent Resident" at iba pang klase ng mga bisa,
kaya naman iba-ibang dayuhan na ang aming natulungan. Isa sa kanila ang aplikante na wala sa Japan mahigit 10 buwan dahil sa hindi inaasahang dahilan sa kanyang bansa. Dahil dito ay malaki ang posibilidad na hindi siya pumasa sa pamantayan at screening ng imigrasyon.
Ngunit dahil pamilyar kami sa pamamaraan ng inspeksyon ng imigrasyon ay hindi kami nag aksaya pa ng oras na isumite ang kanyang aplikasyon. Minabuti namin ipaliwanag ng maayos ang kanyang sitwasyon at matagumpay siyang nabiyayaan ng Permanent Residence.
Case No. 6Aplikasyon ng Certificate of Eligibility para sa 17 taong gulang. (Long-term
Resident)
Nasyonalidad:Philippines
Sa katotohanan, kapag mas umeedad na ang bata ay mas maliit ang tyansa na makakuha ng permit para sa Certificate of Eligibility. Lalo na ang mga batang 16 pababa. Maraming aspeto ang tinitignan ng imigrasyon kapag nag aapruba ng certificate of eligibility. Katulad na lamang ng relasyon ng bata sa magulang, ang sinasahod ng magulang, at mga plano para sa kinabukasan ng bata.
Ang kliyenteng ito ay nakapunta lamang ng japan ng siya ay 17 taong gulang na at nagkaroon ng kumplikadong kaso sa kadahilanang
(1) May delay sa pagpasa ng kanyang birth certificate.
(2) Hindi pinaalam ng kanyang ina (sa imigrasyon) na mayroon siyang anak ng dumating siya sa
Japan.
(3) Hindi sapat ang kinikita ng kanyang ina para sa kanilang dalawa.
(4) Kakulangan ng rason kung bakit dinala niya ang kanyang anak sa Japan ngayong may edad na.
We resolved all of the above issues and our client was issued a COE just before the child turned 18.
Case No. 7Aplikasyon ng Spouse Bisa na may 20 taong agwat.
Nasyonalidad: Sri Lanka
Dahil ang imigrasyon ay naghihigpit sa mga pekeng kasal ay mahirap aprubahan ang magkasintahan na may malaking agwat sa edad. Kahit na malaki ang agwat sa pagitan ng aming kliyente at kanyang kasintahan, naiintindihan namin na ang kanilang relasyon ay base sa tunay na pagmamahalan kaya naman tinanggap namin ang kanilang kaso kahit na ito ay kumplikado.
Madaming hininging importanteng papeles sa amin ang imigrasyon upang mapatunayan na tunay ang pagsasama nilang dalawa. Ngunit, ipinaliwanag naming maayos ang tunay na sitwasyon ng dalawang magkasintahan at doon naaprubahan ang bisa ng aming kliyente.
Case No. 8Ispesyal na permisyon ng pamilyang illegal na nag over stay para manatili sa
Japan.
Nasyonalidad: Pakistan
Isa ito sa pinakamahirap na nahawakan naming kaso. Pumunta sila sa aming opisina habang sila pa ay may bisa ngunit walang ligal na bisa ang naaangkop sa kanila kaya wala na silang ibang paraan kundi ang mag-overstay.
(1) Ang pamilyang ito ay may rekord na na-deport dahil sila ay nag overstay noon at ito ay
pangalawang beses na.
(2) Hindi rin nakakuha ng kahit anong residence ang mag-asawa.
(3) May suspetya rin ang imigrasyon sa dalawa tungkol sa pamemeke ng mga dokumento noon.
(4) Mismong imigrasyon na ang nagsabi sa kanila na 99% hindi maaaprubahan ang bisa nila kaya wala
silang ibang paraan kundi bumalik sa kanilang bansa.
Ngunit sa kasagsagan ng kanilang dilema ay pinagkatiwalaan nila ang aming opisina na ma-resolba ang kanilang problema kaya naman sa abot ng aming makakaya ay pinaghandaan namin ang kasong ito at kami mismo ang nag ayos ng mga dokumento na isusumite sa imigrasyon. Kahit na natagalan ang proseso para sa buong pamilya ay nagawa pa rin nilang makamtan ang bisa para sa kanilang residence.
*Ang kasong ito ay nakaulat din sa website ng Immigration Bureau sa ilalim ng mga ispesyal na kaso.
Service Plan
Pinakamababang Presyo | Regular na Presyo | Full Support na Plano | |
---|---|---|---|
Presyo (hindi kasama ang tax) | ¥36,000~ | ¥150,000 | ¥200,000~ |
Serbisyo | Renewal ¥36,000 Change ¥70,000 COE ¥70,000 |
Renewal ¥70,000 Change ¥150,000 COE ¥150,000 |
Kasama halos lahat ng proseso ng aplikasyon. |
Mga Uri Ng Proseso | Mga aplikasyon ng bisa na walang problema. | Kasama lahat ng proseso ng iba't ibang uri ng aplikasyon ng bisa maliban sa business manager bisa at refugee bisa. | All visa procedures |
Notes | Ang kliyente ay makakapag sumite lamang gamit ang prosesong ito kung matutugunan ng kliyente ng maayos ang mga kinakailangan sa bisa. | Ito ang aming regular na presyo. | Kahit gaano pa kahirap o kaliit ang tyansa ng kliyente ay gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang magbigay ng magandang resulta sa aming kliyente. |
Special notes about fees |
|
Ang karagdagang kabayaran ay maaaring singilin kung ang aplikante ay mayroong nakaraang paglabag sa batas o may mga importanteng katotohanan na tinago sa amin na makaka-apekto sa pag sumite ng bisa. |
|
Mag-apply para sa libreng konsultasyon
|
Mag-apply para sa libreng konsultasyon
|
Mag-apply para sa libreng konsultasyon
|
Fee (Excluding tax) |
¥36,000~ |
---|---|
Scope of service | Renewal ¥36,000 Change ¥70,000 COE ¥70,000 |
Types of procedures | Visa application without problems |
Notes | The client can only apply for this plan if the client clearly meets the visa requirements. |
Special notes about fees |
|
Fee (Excluding tax) |
¥150,000 |
---|---|
Scope of service | Renewal ¥70,000 Change ¥150,000 COE ¥150,000 |
Types of procedures | All visa application procedures except for some types such as business managers and refugee applicants etc. |
Notes | This is our regular fee plan. |
Special notes about fees | Additional fee may be charged if the applicant has committed any past violations or has not reported important facts to us. |
Fee (Excluding tax) |
¥200,000~ |
---|---|
Scope of service | Almost all application procedures. |
Types of procedures | All visa procedures. |
Notes | No matter how difficult the case, if the client has a little chance, we will do our best with high legal knowledge and careful preparation for the client. |
Special notes about fees |
|
Aplikasyon para sa Permanent Resident (PR)
Regular na Presyo para sa aplikasyon ng Permanent Resident ay regular na presyo lamang ang aming maibibigay. |
|
---|---|
Presyo (hindi kasama ang tax) | ¥120,000~ |
NOTE | Magkakaroon ng karagdagang bayad para sa bawat karagdagang miyembro ng pamilya ¥25,000 |
Aplikasyon para sa "Business Manager"
Regular na Presyo | Full Support na Plano | Business Manager (4 months) |
|
---|---|---|---|
Presyo (hindi kasama ang tax) | ¥300,000~ | ¥400,000~ | ¥500,000~ |
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kabayaran ng Business Manager Bisa ay maaaring tawagan niyo kami para sa libreng konsultasyon.
Service Overview
Mga Tampok Na Serbisyo
Low-priced plan | Regular na Presyo | Full Support na Plano | |
---|---|---|---|
Unang libreng konsultasyon | |||
Mga katanungan sa pamamagitan ng mensahe |
Limitado sa isang araw |
Walang limitasyon sa mga oras ng serbisyo. |
Walang limitasyon sa mga oras ng serbisyo. |
Mga katanungan sa pamamagitan ng telepono. |
Limitado |
Advance appointment |
Advance appointment |
Direktang pakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na partido tulad ng kumpanya ng mga kliyente |
Ang ilang kinakailangang komunikasyon ay gagawin sa pagitan namin at ng kumpanya. |
Ang ilang kinakailangang komunikasyon ay gagawin sa pagitan namin at ng kumpanya. |
Ang lahat ng kinakailangang komunikasyon ay gagawin lamang sa pamamagitan ng kliyente. |
Proxy application | |||
Karagdagang Pagsusumite |
Karagdagang kabayaran. |
Magkakaroon lamang ng karagdagang kabayaran kung may seryosong problemang kailangang resolbahan. |
Walang karagdagang kabayaran. |
Muling pagsusumite ng aplikasyon kung sakaling ma-disaprubahan |
Hindi nauukol kung may problemang hindi sinabi agad. | ||
Resibo ng Residence Card | |||
Revised on October 1, 2023. |
Daloy ng Proseso
STEP 1
Pagkatapos makipag-ugnayan sa aming abogado ay magde-desisyon ang kliyente kung nais niyang magpatulong sa aming opisina at kung anong plano ang nababagay sa kanyang sitwasyon.
STEP 2
Ang mga kliyente ay obligadong mag sumite ng mga importanteng dokumento na nakalista sa "Listahan ng mga dokumente" na aming pinapadala sa bawat kliyente. Kasama nito ay isang envelope na paglalagyan ng nga importanteng papeles na maaaring gamitin upang ipadala sa amin ito pabalik. Bukod pa rito, ay ilalagay ng mga kliyente ang mga karagdagang impormasyon sa aming "Hearing Form" na ipapadala rin namin ng aming kumpanya.
STEP 3
Ang aming mga abogado ang gagawa ng ligal na dokumento base sa impormasyong binahagi sa amin ng mga kliyente. Makikiusap kami sa mga kliyente na i-rebyu ang kumpletong dokumento at gumawa ng pagwawasto kung kailangan upang maperpekto ito.
STEP 4
Ang aming abogado mismo ang pupunta sa Immigration Bureau kapalit ng aming kliyente kaya naman hindi na nila kailangan pang pumunta rito.
1. Inquiry
Nagbibigay kami ng libreng konsultasyon at hearing para sa lahat ng kliyente na gusto ng aming serbisyo. Pagkatapos ay maaari ng ituloy ang proseso ng aplikasyon pagkatapos makipag-usap sa aming abogado. (Kinakailangan humingi ng paunang appointment para sa konsultasyon)
2. Kontrata
Pagkatapos i-rebyu ang detalye ng aming serbisyo ay kailangang fill-upan ang "Agreement Form" na ipapadala ng aming tauhan.
3. Kabayaran
Nakikiusap kami na ipadala muna sa aming bangko ang unang kabayaran bago namin simulan ang proseso ng inyong aplikasyon.
4. Abiso tungkol sa mga kailangang dokumento
Ang aming abogado mismo ang mag-aabiso kung anong importanteng dokumento at papeles ang kailangang i-handa. Mangyaring kuhain ang mga dokumento na makukuha sa opisina ng pamahalaan, institusyong pinansyal, atbp.
5. Pagpapadala ng dokumento
Ang aming tauhan ay magpapadala ng envelope sa inyong bahay para mailagay ang mga nalikom na dokumento sa loob at ipadala muli sa aming opisina.
6. Pagkumpleto ng Hearing Sheet
Pagkatapos naming matanggap ang larawan ng mga kinakakailangang dokumento, ang isa sa aming tauhan ay magpapadala ng "Hearing Sheet" sa pamamagitan ng e-mail o LINE
7. Paghahanda at pagsusumite ng aplikasyon
Kami ay gagawa ng application form base sa dokumento na iyong hinanda at sa impormasyong iyong tinala sa "Hearing Tool." Ang kumpletong application form ay ipapadala namin sa inyong bahay.
8. Pagpirma at pagsumite ng application form
Kapag natanggap na ang kumpletong application form, mangyaring i-rebyu ang mga nakasulat upang makasiguradong walang pagkakamali sa mga dokumento bago ito lagdaan ng pirma.
9. Pagsumite ng aplikasyon para sa bisa
Ang aming abogado mismo ang pupunta sa Tokyo Immigration Bureau sa Shinagawa upang isumite ang aplikasyon ng bisa. Ang kliyente ay hindi na kailangan pang pumunta sa imigrasyon dahil kami rin mismo ang kukuha ng resulta ng aplikasyon sa ngalan ng kliyente.
FAQ
About us
-
Opisina JAPAN VISA SUPPORT Immigration Law Firm
行政書士法人 JAPAN VISA SUPPORT -
Partner lawyer Hideyuki TANAMURA
-
Contact TEL.044-272-3699
-
Oras ng serbisyo Lunes ~ Biyernes (10:30 to 18:30 )
Sabado (11:00 to 18:00) -
Lokasyon #3F 2-11 Higashidacho Kawasaki-ku, Kawasaki-shi, Kanagawa-ken 210-0005 Japan
-
Website -
facebook
InpuiryPlease feel free to contact us.
If you are having trouble with your visa, are facing difficulties,or have applied with another legal firm
and been rejected,
please contact us for a free consultation before giving up.